Publiko ang mapagpasya sa pagharang sa Con-Ass
Sa panayam ng Pinoy Weekly noong Hunyo 3, sinabi ni Ka Satur Ocampo na "ang publiko" -- ang mamamayang Filipino -- ang mapagpasya sa pagharang sa anumang tangka ng gubyernong Arroyo na buuin ang Kongreso bilang isang Constituent Assembly.
Ayon kay Ka Satur, walang sapat na bilang ang minorya sa Kongreso para pigilan ang Con-Ass. Ngunit kung magkakaroon ng popular na oposisyon laban sa Con-Ass, posibleng iatras ito tulad ng ginawa noon sa tangkang Cha-Cha o Charter Change.















